12 Mar 2021
Isang karangalan ang muling nakamit ng Paaralang Sentral ng Naga II, Sangay ng Lungsod Naga, sa pamumuno ng punong guro na si Ginang Juliet Cruzat-Curva, PhD, Tagamasid Pampurok na si Ginang Teresita Irma S. Dy Cok, PhD, Pandibisyong Tagamasid sa MAPEH na si Ginoong Elvin Monroy, at ang masigasig na Tagapamanihala na si Mariano B. De Guzman, CESO VI, nang makuha ang Ikalawang gantimpala sa Panrehiyong Virtual na pakontest sa Elementarya. Ito ay ginanap noong ika-12 ng Marso taong 2021 sa pamamagitan ng Google Meet. Pinamunuan ito ng “Phil. Japan Friendship Art Contest Corrigedum of Regional Memorandum No. 22 s. 2021” na may temang “DAKILANG LAHI “ binuo ito sa tatlong kategorya: Elementarya , Sekundarya at mga kalahok na guro sa buong Rehiyon 5. Sa kabutihang palad, nakuha ni NIESSON CHRIS G. MOYANO ng Dibisyon ng Lungsod Naga ang ikalawang gantimpala. Si Moyano ay nagmula sa ikalimang baitang ng SSES sa nasabing paaralan. Ang kanyang Tagasanay ay si G. Aldrin P. Maravilla, Master Teacher I.
Anim na oras ang ginugol upang matapos ang nasabing Poster Painting.